Ako'y sigurado sa matamis na pag-ibig ko sa Iyo, kaya't aking tinahak ang daan kung saan ikaw ay aking masusumpungan.
Ngunit kinalauna'y puso ko ay nasapawan sa bigat ng araw-araw na gawain..
Ako'y napaso,
sa tayog ng aking mga plano, ninais lamang na Iyong makita ang bugso
nitong damdamin ko para sa Iyo.
Ngayon ako'y nalilito, "nasaan na nga ba ako?" Dati kong hakbang na puno ng pagmamahal ngayon tila ba'y pagal na pagal ang aking bawa't paghinga ay kapos-- ako ay naghihikahos.
Aking napagtanto nang saglit na mawalay sa piling Mo, lahat ng adhikain ko'y walang katuturan kung sayo'y nalilimutang pumisan.
Tamis pala ng pag ibig ay di sapat, kailangan ay puso na tapat; na laging dudulog sa iyong harapan upang kagandahan Mo'y mapagmasdan.
Comments