top of page

Sino ba Ako?

Writer's picture: geronimojoyceannegeronimojoyceanne


"Sino ba ako?"

Isang katanungang paulit-ulit na sumagi sa aking isipan.


"Sino ba ako?"

Isang pagkataong hinanap sa mundo.


"Sino nga ba ako?"

Kay dami na ng kolorete na ipahid ko sa aking mukha,

mga tinta na iginuhit upang makiuso sa iba,

ngunit bakit di ko pa din makita ang aking ganda?


"Sino nga ba ako?"

Kahit gaano pa kagara ang aking porma,

mamahalin man o nabili sa bangketa,

itsurang pinaglaanan ng pera

Ngunit di ko pa din madama ang aking halaga!


"Sino nga ba ako?"

Sa dami ng aking kaibigan,

maghapon pa nila akong paligiran,

tumambay at magtawanan

ngunit di pa din mawalay sa aking isipan

na mayroong kawalan na di nila kailanman mapupunan.


"Sino nga ba ako?"

Sa gitna ng talino ko at tagumpay,

mga kaalamang taglay

upang sa iba ay magmukhang mahusay

bakit meron pa ring puwang sa puso ko na walang humpay?


"Sino nga ba ako?

Sino nga ba ako?"


Sa gitna ng ingay na umaalingasaw,

sa bawat pagsigaw ng aking katanungan

upang malaman ang katotohanan

nakita ko ang kasagutan sa Iyo,

narinig ko ang tinig mo,

tinatanong ako..


"Anak, sino ba Ako?

Ako ang lumikha sa’yo

ginuhit ko ang iyong pagkatao,

bilang ko ang araw mo

at bago ka pa nabuhay sa mundo,

palagi ka nang nasa isip ko."


"Anak, sino ba Ako?

Ang mga mata ko na nakakita sa mga kasalanan mo,

ay siya ring mata na nakasusumpong sa ganda na itinanim ko sa iyo.

'di magsasawang ikaw ay pagmasdan,

sa akin ikaw ay kaaya-ayang tignan

kesa sa mga butuin at kalawakan."


"Anak, sino ba Ako?

Ang mga bisig ko’ng nilayuan mong pilit

ang yayakap sayo ng mahigpit

upang malimutan mo ang sakit

na naidulot sayo nitong mundong malupit.


"Anak, sino ba Ako?

Bago ka pa natutong magkasala,

at bago mo pa natutunan ang depinisyon ng salitang paghanga.

Bago ka mawalay sa aking presensya

upang habulin ang pagtingin ng iba

upang matanggap ka ng iyong barkada

naroroon na Ako..."


"Ako ang iyong simula,

minahal na kita, bago pa kita nilikha.

Naroon ako, kasama mo, di mo lang halata.

Naroon ako sa iyong bukas,

sa iyong pagwawakas

sa dulo ng iyong kabanata

naghihintay na matapos mo ang karera

netong buhay na sayo ay Aking ibinigay.

Narito ako ngayon

kasama mo mula pag gising

hanggang buong maghapon

maging sa panaginip,

dinuduyan kita sa aking pag ibig.

Hindi kita iniwan, at di kita iiwan

Emmanuel ang aking pangalan

at palagi mo akong masusumpungan."


"Anak, sino ba Ako?

Bago ka pa nabigo sa paghahanap ng iyong pagkatao

bago pa ang luha mo ay tumulo,

anak, nauna nang pumatak ang dugo Ko para sa iyo

doon sa bundok ng kalbaryo

upang ang kasinungalingan ng iyong pagkatao

na itinanim sayo ng mundo

ay mabura ng wagas na pag-ibig ko sayo.

Dahil anak, sapat Ako para sayo.

Anak, napakaganda mo sa paningin Ko.

Anak, wala nang papatay sayo,

kaya kitang mahalin ng buong buo"


"Kaya’t di mo na kailangan magkumpara,

'di mo na kailangan tumingin sa iba

huwag ka nang magduda,

sakdalan ng pag-ibig ko sayo ay akin nang naipakita.

Anak, lumapit ka sa akin,

Ako ay iyong kilalanin

pag-ibig Ko ay di magmamaliw.

Lumapit ka sa Akin at iyong alalahanin

kung sino ba Ako."

71 views0 comments

Recent Posts

See All

Giving My All

"What's in it for me?" This question pins the landscape of sales, shaping consumer engagement. It serves as the key to capturing the...

Comentarios


If you would like to help fund my missions financially, you can click this button to find out more!

 

Thanks for subscribing!

bottom of page